Dear “walang-kwentang, walang-alam na Resident” Self,
Hello.
Kumusta na?
Pagod na pagod ka na?
Titigil ka na ba?
Mas madaling sumuko. Mas madaling talikuran ang mga pagsubok at mga bunganga ng mga taong palagi na lang galit sa iyo na parang wala ka nang nagawang tama (o mga taong akala nila ay palagi na lang sila ay tama).
Pero ang tanong…
Magiging masaya ka ba pag matanda ka na at naalala mo na minsan ikaw ay naging residente sa isa sa pinakamagaling na ospital sa bansa pero tumigil ka dahil napagod ka?
Pahinga ang sagot sa pagod, hindi pagtigil.
Sapagka’t saan man at ano man ang iyong propesyon, kung ginagawa mo ang lahat nang maayos at binibigay mo ang iyong “best” sa mga ginagawa mo, nakakapagod talaga.
Balang araw, matatandaan mo ang lahat ng iyong pinagdaanan -lahat ng pagod, luha, galit, at saya na iyong naranasan bilang isang residente, at iyong mare-realize na lahat ng ito ay kailangan mong maranasan bilang parte ng proseso sa paghubog sa iyo hindi lang para ikaw ay maging isang magaling na doktor, kundi para maging isang makabuluhang doktor na may malasakit at pagmamahal sa kapwa.
Okay lang mapagod, sapagkat kung ang kapaguran na pinagdadaanan natin ay nakakapangiti at nakakabuhay sa ibang tao, mas pipiliin kong mapagod habang buhay.
Palagi mong tandaan, hindi ka nag-iisa. May seniors ka at consultants sa likod mo, at may Diyos sa itaas. Hinding hindi ka nila pababayaan.
Remember the prayer you once wrote…
Nagmamahal,
Your Future “Consultant” Self
This too shall pass. 🙂 Hold on!
Thank you, Maam Minel! Thank you for all the lessons you taught me and my block in pedia at UP PGH. Wish you all the best! 🙂
Residency has taught me lot about using hierarchy in a good way, professionalism, harmonious relationships, friendships between a senior and his subordinates, giving positive criticisms, become a role model, motivator, mentor and an inspiration. The training becomes a playground… Tiredness will just pass away and quitting is not an option.
Oh I miss my residency days 😉
Super relate. araw araw gusto kong magquit. in fact I already did, hindi lang tinanggap ang resignation ko ng Medical Center Chief… haayyy lalo na kung government hospital and your chosen training is a manly specialization.
Hi Madeline. Kapit lang. Patience and humility will get us a long way in residency training!